Monday, March 12, 2012

URI NG PANGUNGUSAP

Ang mga uri nang pangungusap ay ang mga sumusunod: 
1. paturol/pasalaysay- ito ay nagsasalaysay at nagtatapos sa tuldok (.). 
ex. Ang puno ay matibay. 
2. pakiusap-ito ay nakikiusap at ginagamitan ng paki"at nagtatapos sa tuldok (.) 
ex. Paki kuha nga ng bag ko. 
3. patanong-ito ay natatanong at nagtatapos sa tanedang pananong (?). 
ex. Paano ba gawin ito? 
4. padamdam-ito ay nag sasaad ng matinding damdamin at nag tatapos sa tandang padamdam (!). 
ex. Naku! na dulas ang bata 
5. pautos-ito ay naguutos at nagtatapos sa tuldok (.). 
ex. Mag salita ka nga ng maayos. 

Ibang kasagutan:
May apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit.
1. Pasalaysay - o tinatawag ding paturol. Ito ay pangungusap na nagsasalaysay at nagtatapos sa isang tuldok (.).
2. Patanong - ito ay pangungusap na nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
3. Pautos - ang pangungusap kung ito ay nagtatanong at pakiusap naman kung ito ay nakikiusap. Parating may kasamang mga salitang paki o kung maaari ang nakikiusap na pangungusap. Parehong nagtatapos sa tuldok ang pautos at pakiusap (.).
4. Padamdam- ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
karaniwan at di-karaniwang pangungusap. ang karaniwang pangungusap ay mas nauuna ang panaguri kaysa paksa at ang di- karaniwan naman ay mas nauuna ang paksa kaysa panaguri. malalaman din na ang pangungusap ay di- karaniwan kapag mayroon itong pangawing na 'ay'....

mga uri ng tayutay

Answer:
Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginamiy upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumamit ng talinghaga o di karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang diin ang kaniyang saloobin.

1. Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag naSimile sa Ingles.
Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
2. Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.
Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
4. Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihis.
6. Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:
1. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
2. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
3. BUmabaha ng dugo sa lansangan.
4. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
7. Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.ONOMATOPOEIA sa Ingles
Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.
10. Paglilipat-wika o Transferred Epithet- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
1. Patay tayo dun.

Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat. 

Ilang Uri ng Tayutay 
1. Pagtutulad (simile) - isang payak at lantad na paghahambing at karaniwang ginagamitan ng mga salita't pariralang: katulad ng, tulad ng, para ng, anaki'y, kawangis ng, gaya ng, kasing-, sing-, ga-, atbp. 
Hal. Para ng halamang lumaki sa tubig, 
Dahon ay nalalanta munting di madilig 
-Francisco Baltazar, Florante at Laura 

2. Paghahalintulad (Analohiya) - isang uring tambalan ng pagtutulad. Ipinahahayag ng paghahalintulad ang pagkamagkatulad ng isang kaugnayan sa ibang kaugnayan. 
Hal. Ang tingin ng bubuyog sa bulaklak ay katulad ng damdamin ng binata sa dalaga. 

3. Pagwawangis (Metapora) - isang tuwirang paghahambing na di gumagamit ng mga salitang katulad ng at iba pa, ngunit nagpapahayag ng hambingan sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ng isang bagay na inihahambing. 
Hal. Ang awa ng Panginoon ay aking kuta laban sa mga dalita ng buhay. 

4. Pagtatao (Personipikasyon) - tinatawag din itong pagbibigay katauhan at personipikasyon. Pahayag ito na ang mga katangian, gawi at talinong sadyang angkin lamang ng tao ay isinasalin sa mga karaniwang bagay. Nagagawa ang pagsasalin sa paggamit ng pandiwa o pangngalan. 
Hal. Lumuha ang langit nang pumanaw si Ninoy Aquino. 

5. Pamamalabis (Eksaherasyon) - isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-diin sa katotohanang pinagmamalabisan. 
Hal. Bumaha ang dugo sa awayan ng mga magsasaka. 

6. Pagpapalit-tawag (Metonymy) - isang pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng mga bagay na magkakaugnay. 
Hal. Ang anhel sa kanilang tahanan ay isang malusog na sanggol. 

7. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - pagbanggit sa bahagi bilang katapay ng kabuuan, o ng kabuuan bilang katapat ng bahagi. 
Hal. Ang panahong ito (Mayo) ay mabulaklak. 

8. Panawagan (Apostrophe) - ginagawa rito ang pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman. 
Hal. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento. 

9. Tanong Retorikal - hindi ito naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan. 
Hal. May magulang bang nagtakwil sa kanyang anak? 

10. Pag-uyam - mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang kapag kukunin sa tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam. 
Hal. Ubod siya ng gara kung lumalabas! Napakagulo naman ng bahay. 

11. Talinghaga (Allegory) - isa itong salaysay ng mga kinathang pangyayari na ang hangarin ay magbigay-kahulugan sa nga mahahalagang katunayan. Ang talinghaga ay "salaysay" at kauri nito ang tinatawag na parabula (na ang karamihan ay galling kay Kristo). Isa ittong kinathang salaysay na may mga pangyayaring maaaring nangyari sa katutubong buhay ng tao, ngunit kinatha upang maglarawan ng isang aral hinggil sa kalinisan ng pamumuhay at mabuting pakikipagkapwa. 
Hal. "Ang Mabuting Samaritano" 
"Ang Alibughang Anak"

TAYUTAY - ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin.Sinasadya ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin...", 

MGA URI NG TAYUTAY 
1. SIMILI o Pagtutulad - Di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng mga salitang:tulad,paris ng,kawangis ng,sing-,sim-,magkasing- at iba pa. 
=halimbawa= 
1.sasakyang parang ipu-ipo sa bilis 
2.babaeng parang pagong sa bagal 
3.lalakeng tila hari kung mag-utos 
4.batang mukhang higante sa laki 
5.aleng parang reyna kung mag-kumpas 
2. METAPORA o pagwawangis - tiyak na paghahambing hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahabing na nakalapat sa mga pangalan,gawain,tawag o katangian ng bagay na inihahambing. 
=halimbawa= 
1.ipu-ipong sasakyan 
2.babaeng pagong 
3.batang higante 
4.perlas na ngipin 
5.ting-ting n balerina 
6.palasyong bahay 
7.kutis porselana 
8.paraisong lugar 
3. PERSONIPIKASYON o pagtatao - Ginagamit i2 upang bigyang-buhay,pagtaglayin ng mga katangiang pantaong-tilino,gawi,kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa at pangngalang-diwa. 
=halimbawa= 
1.tik-tak ng orasan ay nag hahabulan 
2.masayang umihip ang hanging amihan 
3.hayu't nagagalit ang araw sa silanga 
4.ang nagtatampong aso,tingnan mo't malungkot 
5.batong nagkalat sa mga lansangan ay mgasasaktan kung tinatapakan

Mga Uri ng Tayutay
  • Simili o Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
  • Metapora o Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
  • Personipikasyon o Pagtatao - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. 'PERSONIFICATION' sa Ingles.
  • Apostrope o Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
  • Pag-uulit
  • ** Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
    • Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
    • Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.
    • Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
    • Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.
    • Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.
  • Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
  • Panghihimig o Onomatopeya - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.
  • Pag-uyam - Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.
  • Senekdoke o Pagpapalit-saklaw - isang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang binabanggit.
  • Paglilipat-wika - tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
  • Balintuna - isang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais sabihin sa huli.
  • Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
  • Pagtanggi o Litotes - gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

Wednesday, March 7, 2012

wikang filipino sa panahon ng globalisasyon

Wikang Filipino sa Panahon ng Globalisasyon


Ano na ang nangyari sa ating sariling wika? Tila nilamon na ito ng mga wikang banyaga, partikular ng wikang Ingles. Kung mapapansin mo sa araw-araw na pamumuhay ng isang karaniwang Pilipino, hindi maaaring sa isang kaswal na talakayan ay hindi siya gumamit ng wikang Ingles. Tila natural na sa kanya ang paghalo ng wikang Filipino at wikang Ingles upang ihatid ang mensaheng nais niyang iparating sa kausap. Marahil, hindi lang talaga kaya ng mga Pilipino na makipag-usap na gamit lamang ang sariling wika.
May mga nagsasabing ang dahilan kung bakit nagkaganito ang mga Pilipino ay sa kadahilanang kapos ang kanyang kaalaman sa sariling wika. Tila wikang banyaga sa kanya ang sariling wika. Kahit simula elementarya ay mayroon tayong asignaturang Filipino pero bakit nagkakaroon ng kakulangan ng kaalaman sa paggamit ng ating sariling wika? Biruin mo, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa sekondarya, at kung suswertehin ay apat na semestre sa kolehiyo. Ito ay mahigit 10 taong pag-aaral ng sariling wika, subalit bakit hindi naging bihasa sa sariling wika ang mga Pilipino? Karaniwan ay tila bihasa pa sa wikang Ingles ang isang estudyante. 
Marahil sasabihin mo na hindi naman lahat ay mas magaling mag-Ingles kaysa sa Filipino. Oo nga, marami ring estudyante na baluktot at nakakatawa mag-Ingles pero lahat naman tayo ay baluktot rin magsalita ng sariling wika. Napansin mo ba na sadyang mas mahirap gumawa ng isang pormal na sulat gamit ang Filipino kaysa Ingles? Naalala ko tuloy noong pinagawa kami ng diskors sa Filione, halos lahat ay umangal marahil dahil nahihirapang gumawa ng isang kritikal na sulatin gamit ang wikang Filipino. At noong nakita ng aking mga kamag-aral ang aking nasulat na diskors medyo natawa at bumilib sila sa mga ginamit kong salita. Sabi nila ang lalim ko daw mag-Tagalog. Ako ay natawa sapagkat alam ko ang kamangmangan lamang nila sa wika ang nagtulak upang sabihin iyon. Sa katotohanan ay hindi naman malalim ang mga ginamit kong salita. Ito ay mga karaniwang salita lamang sa Filipino. May mga pagkakataon pa na sila ay nagtatanong kung ano sa wika natin ang ibang salitang Ingles. Tila mas malawak pa ang bokubolaryo nila sa Ingles kaysa sa Filipino.
Minsan naman ay nakausap ko ang aking isang kaibigan na nagtatrabaho na. Ibinilin niya sa akin na kailangan kong magpakabihasa sa wikang Ingles para matanggap sa isang magandang kompanya. Mula daw sa interbyu hanggang sa araw-araw na pagtatrabaho ay kakailanganin ko raw ang kabihasaan sa wikang Ingles. Tama siguro siya sa isang banda. Ang Ingles ay wika ng globalisasyon kaya marahil kailangan ko ito upang makapasok sa isang malaking kompanya. Pero teka lang, bakit nga pala noong ako ay lumahok sa miting na may kasamang mga Koreano at Hapon, bakit sila ay hindi naman ganun kabihasa mag-Inggles? Bakit sila ay mayroong magandang trabaho kahit na mas magaling pa mag-inggles ang isang Pilipinong nasa unang baitang?
Napakaswerte na mga ibang nasyon dahil pinapahalagahan nila ang sariling wika, tulad ng mga Intsik, Hapon, Koreano, Pranses, at marami pang iba. Kung makikita mo sa kanilang bansa, pinilit ng mga multinasyonal na kompanyang isalin sa kanilang wika ang mga produktong kanilang ibinibenta. Kung makikita mo sa kanilang mga pangkaraniwang ginagamit sa araw-araw, tulad ng sabon, syampu, gamot, at kung ano-ano pa, ang mga direksyon nito ay nakalimbag sa kanilang sariling wika. Samantalang sa atin ay nakasulat ito sa wikang banyaga. Pati nga ang ating mga batas ay nakasulat sa wikang banyaga. Paano naman maiintindihan ng isang karaniwang Pilipino ang mga batas na kailangan niyang sundin kung ito ay pangunahing nalathala sa wikang banyaga. Oo nga, baka kasi higit na malito ang Pilipino sa sariling wika. Baka mas kailangan pa niya ng diksyunaryo upang maintindihan ito kung nakasulat sa Filipino. Minsan din ay nakakita ako ng isang desisyon ng korte. Mayroon itong 20 pahina na komplikadong nakasulat sa Ingles. Paano naman maiintindihan ang desisyon ng korte kung isusulat ito ng sobrang komplikado sa ibang wika? Bakit hindi na lang Filipino ang ginamit para dito? Naisip ko nga na baka pati ang batas natin ukol sa Wikang Pambansa ay nakasulat din sa wikang banyaga.
Bakit ba kasi hindi natin magamit nang maayos ang ating sariling wika? Bakit mas ninanais natin na maging bihasa sa wikang banyaga? Bakit kasi kulang ang pagpapahalaga natin sa sariling wika? Bakit parang nandidiri tayong magsalita ng sariling wika sa mga pagtitipon? Bakit parang baduy ang isang Pilipino kung Filipino ang kaniyang gagamitin? Bakit parang nagsisilbing mas astig ka kung magaling ka mag-Ingles? Bakit kasi mahilig ang karamihan sa atin na ipakita na angat tayo sa buhay sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Ingles?
Wala akong galit sa mga nagsasalita at bihasa sa Ingles. Ako rin naman ay may kaalaman sa wikang ito. Alam ko rin na kailangan natin ito dahil sadyang nilamon na tayo ng koloniyalismo. Nilamon na tayo ng mga imperyalistang bansa. Ang sa akin lang ay sana maging pamilyar at bihasa tayo sa sariling wika. Huwag natin itong ikahiya. Hindi naman kasi nakakahiya na gamitin ang ating sariling wika sa pakikipag-usap. Kung nakakahiya ang wikang Filipino, nakakahiya ang maging isang mamamayang Pilipino.